aaand why did i pose like this again..? =)) anyway..

i got soaked in the rain today. as in soaked. #coolstorybro

i went home after watching the dorm league basketball match between i don’t really know the names of their teams but congrats arviiin!! yes. and then it started raining when we arrived at the SHB. nakasabay ko si joshua maglakad, (naglaro siya) tapos he asked kung may payong ako. sabi ko wala, sabi niya meron daw siya sa dorm. sabi ko na lang wag na, i like the rain anyway. habang naglalakad ako papuntang flob, sabi ko sa sarili ko, “going home without an umbrella? challenge accepted.”

then the rain started to pour heavily. nice timing forever talaga. as in, di pa ko nakakasakay ng pedicab (inaayos ni kuya ung payong) sobrang nakaligo na ko sa ulan. =))) tapos na-realize ko na dapat pala kinuha ko na lang ung payong HAHAHA.

but oh well. grabe talaga, nasense kong sobrang nahirapan si kuya pedicab kasi kalaban namin yung hangin. and kuya’s pedicab didn’t have any cover (di niya yata inakalang uulan); payong lang talaga. so diretso agad sakin ung ulan. =))) imba talaga para akong pinapaliguan ng langit.

hanggang kabilang side lang ng q.ave intersection yung pedicab, so i had to walk to the tricycle stop. tuloy pa rin ang pagliligo! pagkasakay ko ng tricycle, tinanong ako ni kuya, “wala kang payong?” “wala po eh.” then to east ave we went.

nung malapit na kami mag-stop, kuya asked me again. “anong sasakyan mo, bus o jeep? “jeep po.” pagkabayad ko, tanong ulit. “anong jeep?” “anonas po.” he stopped at the area na pinakamalapit sa sakayan ng jeep. nung palabas na ko, parang sabi niya wait lang, wala pa eh. so na-figure out ko na baka si kuya tricycle ung papara. and he did! O:

nung sinensiyahan (lol tama ba to =))) niya yung jeep, medyo malayo from us nung tumigil. so si kuya tinuloy niya ung tricycle papunta directly behind sa jeep, so mga 3-4 steps away na lang. sobrang nag-thank you ako sa kanya nung naglalakad na ko. ambait talaga. salamat kuya tricycle 005!

that wouldn’t have happened if i took the umbrella, hahaha. kaya okay na rin! there are still nice people in this world~

  1. shewashere posted this